Is Lovi Poe heavy with a child or not?
Finally, nasagot na ang katanungang ito.
At least dalawa sa mga pinagtanungan ng isang reporter ang nagkumpira na buntis na nga ang actress-producer sa kanyang British husband.
To be exact, Lovi is now seven months pregnant.
Pitong buwan? So, ang ibig bang sabihi’y noong rumampa siya sa Bench Body of Work ay nasa kagampan na siya?
Exactly!
‘Yun nga lang, dahil hindi naman daw malaking bulas ang aktres ay hindi siya malaki kung magbuntis.
Lovi has yet to confirm this herself.
Pero sa pinakahuling panayam sa kanya, she had expressed her willingness na kung mabibiyayaan ng anak ay handa na siya.
Sa ngayon, abala si Lovi sa filming ng kanyang C’est Lovi production na The Sacrifice na kinukunan sa Quezon Province.
Masayang-masaya raw ang awra ng actress-producer sa set–dahil nga ba she’s infanticipating?
At kung seven months na nga ang kanyang tiyan, sa July siya manganganak?

Share.
Exit mobile version