Isang lalaki ang nasawi sa isang insidenteng pinaghihinalaang hazing sa Feliciano Subdivision, Barangay Muzon West, lungsod ng San Jose Delmonte Bulacan
Sa pangunguna ni PLt Edsel B. Israel, Sector Commander at kanyang mga tauhan sa San Jose del Monte City Police Station, apat na sangkot sa insidente ang agarang inaresto at dinakip habang isa pa ang kasalukuyang tinutugis.
Natuklasan ang bangkay ng biktima na nakasuot ng puting t-shirt at itim na shorts, may taas na humigit-kumulang 5 talampakan at 4 pulgada bandang alas-4:50 ng hapon at iniulat sa SJDM CPS ng alas-7:30 ng gabi sa parehong araw.
Ayon sa isang saksi, nakita niya ang ilang kabataang pumasok sa nasabing apartment bandang alas-11:00 ng umaga noong Setyembre 25.
Mula rito ay narinig niya ang malalakas na sigawan at paulit-ulit na paghampas, bago natagpuan ang biktimang walang buhay na na nakitang maraming pasa sa iba’t ibang bahagi ng katawan at hiwa sa noo.
Ang mga naarestong suspek ay kinilala sa mga alyas na John, 19 anyos; alyas “ACP”, 16 anyos; alyas “JSM”, 16 anyos; alyas “JCD”, 16 anyos; at Mark Pia, 30 anyos, na kasalukuyang tinutugis ng mga awtoridad
Nahaharap ang ang mga naarestong suspek sa kasong paglabag sa Republic Act No. 11053 o ang Anti-Hazing Act of 2018.
Nagsagawa ang SOCO ng masusing pagsusuri sa pinangyarihan ng krimen habang patuloy ang imbestigasyon upang matukoy ang tiyak na sanhi ng pagkamatay ng biktima at buong pangyayari.(Danilo Gravador)
