Sinampahan na ng kasong murder ang apat katao na unang nadakip ng mga awtoridad, at isang at-large na sangkot sa patay sa isang panadero sa Brgy, Biclat sa bayan ng San Miguel, Bulacan.
Sa ulat na tinanggap ni PCol. Jay Baybayan, acting provincial director ng Bulacan PPO, kinilala ang mga suspek na sina alyas JM, alyas JN, alyas Jr ,alyas DR, habang patuloy na tinutugis si Boy Itik, na pawang residente sa nabanggit na Barangay.
Ang biktima naman ay nakilalang si Jonel Serrano y Viernes na natagpuan sa loob ng isang plastic container drum sa gilid ng kalsada sa Barangay Biclat noong Agosto 14, 2026.
Lumitaw sa imbestigasyon ng mga awtoridad na bago natagpuan ang bangkay ng biktima sa loob ng drum ay nagkaroon muna ng inuman ang mga suspek at biktima sa isang kubo.
Sa gitna ng inuman ay sinasabing nagkaroon ng mainitang pagtatalo ang mga suspek at biktima sa hindi pa malamang kadahilanan.
Ang mainit nilang pagtatalo ay nauwi sa pananakal ng mga suspek sa panadero na naging sanhi ng kanyang pagkamatay.
Matapos ito dali-daling isinilid ng mga suspek sa kulay dilaw na drum ang biktima na lalagyan nito ng tinapay at itinapon sa madamong lugar sa naturang barangay.
Ang mga naarestong suspek ay nakadetine na ngayon sa San Miguel Municipal Jail kung saan walang piyansang inirekomenda ang korte para sa kanilang kalayaan.(Danilo Gravador)
Trending
- Pickleball World No. 1 Anna Leigh Waters, bibisita sa PH
- Kumpirmado: MC at Lassy, ‘di na mapapanood sa Showtime
- Dennis, sinusuyo si Julia
- River, game sa laplapan sa kapwa lalaki!
- Laganap na krimen sa kalye ibinabala
- Deniece, Cedric lalaya na
- 4 SUSPEK SA PAGPATAY SA PANADERO KINASUHAN NA, ISA PA HINAHANAP
- LALAKI NASAWI SA PINAGHIHINALANG FRATERNITY HAZING
