Dinala na sa korte sa Quezon City si Lakambini “Lakam” Chiu, kapatid ni Kim Chiu, nitong Huwebes ng tanghali, Setyembre 24.
Inaasahang babasahan ng sakdal si Chiu sa Quezon City Hall of Justice.
Matatandaang nahaharap ang 45-anyos na negosyante sa 124 bilang ng qualified theft kaugnay ng umano’y pagkuha ng pondo sa kompanyang pagmamay-ari nilang magkapatid.
Inaresto si Chiu noong Setyembre 20 sa Barangay Wack Wack, Mandaluyong City.

Share.
Exit mobile version