Lalong uminit ang usap-usapan tungkol kay Kween Yasmin matapos ang nakakagulat na update sa kanyang naunang pag-amin na siya ay buntis.
Matatandaang kinumpirma mismo ni Yasmin noong Marso 25 na siya ay nagdadalang-tao at ang nobyo niyang si Elmer Declaro Villacura ang ama.
“Totoong buntis ako… ang ama si Elmer,” ani niya, sabay pahayag ng matinding pagmamahal sa partner at paggiit na ito lamang ang kanyang minahal.
Ngunit sa pinakabagong pahayag ng social media personality, ibinahagi niyang naging negative na ang kanyang pregnancy test matapos ang ilang linggo—na indikasyon na wala na ang kanyang dinadala.
Ayon sa kanya, maaaring nakaapekto ang matinding stress at emosyonal na pinagdadaanan niya sa nangyari.
“Kaka PT lang ulit Negative na. Naging Negative na ulit. Dahil sa stress sa galit sa kanya. Pero all goods Naman na kami with Mahal Asawa ko,” sey ni Kween Yasmin.
Nagulantang naman ang mga netizen dahil sa alegasyon nito na pinainom siya ng iba’t ibang gamot upang malaglag ang kanyang ipinagbubuntis.
“Hindi Naman po prank. Nung una positive po. Pangalawa negative na po. Negative na po, sa kanya. Wala ng buntis. Sad nilaglag kasi nya yung baby namin. Tapos pinapainom pa nya Ako na ibang gamot. Sunod sunod,” paglalahad niya.
Sa kabila nito, iginiit pa rin niya ang kanyang pagmamahal kay Elmer kahit may mga pahayag siyang tila nasasaktan sa umano’y pagtanggi nito sa kanilang anak.
Dahil sa biglaang twist mula sa kanyang naunang rebelasyon, nahati ang opinyon ng netizens. Anila:
“Omg alarming na yan kween, punta ka na ng ob para sure.”
“Iba na yan kween.. concerning ang mga pinapagawa sayo ni elmer villacura a.k.a troy tuyor.. please take care of yourself kween.”
“Grabe na yan si troy, bakit feeling ko kween kaya ayaw ni troy magka anak ka kasi mawawala income n’yo once tumagal na yang pagbubuntis mo sana. Tumigil na rin ata sya as Guard? So ikaw na lang inaasahan n’ya? Tapos yung sasakyan nakapangalan pa sa kanya.”
“Kween, seryoso ba? dapat hindi mo ininom masama po yon possible talaga malaglag si baby, hays bakit ganya si troy tuyor?!”
“Hindi po ako basher , hindi rin ako fan pero seryoso? Hindi po biro yan ah, dito sa sinasabi mo ‘nilaglag kase niya yung baby namin’ at pinapainom ka niya ng ibang gamot? Tapos okay na kayo ang alarming niyan tska parang di siya gawain ng normal at nasa tamang pag iisip jusko mga content mo before okay lang kase nag papasaya ka lang ng tao pero yung ganto hindi man totoo to hindi magandang biro and kung totoo ngang buntis ka at ganyan parang ang weird , sa ibang tao diyan na sinusupport pa gantong kalokohan jusko ewan ko nalang.”

Share.