NAKAPOKUS ang lahat kay Rep. Faustino “Bojie” Dy III na pinaniniwalaang magiging susunod na Speaker ng Kamara— sa lalong madaling panahon.

Ayon sa ilang mapagkakatiwalaang ulat, inaasahang magbibitiw si Speaker Martin Romualdez anumang oras sa araw na ito dahil sa mga kontrobersiyang proyekto sa flood control.

Si Dy, na Deputy Speaker at Kinatawan ng Ika-anim na Distrito ng Isabela, ay binanggit na pangalan mula sa higit sa apat na source na namumurong susunod na Speaker.

Malakas ang kanyang koneksyon kay Pangulong Marcos Jr., at may malawak na karanasan bilang dating gobernador at bise-gobernador ng Isabela.

Kung magbitiw si Romualdez, maaaring mahalal si Dy bilang Speaker sa araw ding ito.

Patuloy pa rin ang mga pagbabago, pero malinaw na siya ang nangunguna sa karera.

Si Faustino “Bojie” Dy III ay kasapi ng Partido Federal ng Pilipinas (PFP) mula pa noong 2018 na partido ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Share.
Exit mobile version