Pinal na ang desisyon ng liderato ng Mababang Kapulungan ng Kongreso na hindi na ito magsasagawa ng imbestigasyon sa anomalya sa flood control projects.
Sa panayam kay House Majority Leader Sandro Marcos nitong Lunes, sinabi nito na hindi na mag-iimbestiga ang Kamara dahil may mga miyembro ng kapulungan na inaakusahang sangkot sa anomalya.
“My stance on that from the very beginning has been the same. The institution should not investigate an issue wherein its own members are part of the accused,” pahayag ng mambabatas.
Si Marcos ang nagdedesisyon kung anong imbestigasyon ang isasagawa ng Kongreso at hindi at anong batas ang isasalang sa plenaryo, bilang timon ng Kapulungan.
Noong September 2025 ay itinigil ng House committee on infrastructure na pinamumunuan ni House committee on public account chairman at Bicol Saro party-list Rep. Terry Ridon, ang imbestigasyon sa flood control projects matapos itatag ng kanyang amang si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., ang Independent Commission on Infracture (ICI).
Gayunpaman, may mga miyembro ng Kamara tulad ni Batangas Rep. Leandro Leviste ang nais na ituloy ng imbestigasyon sa nasabing anomalya bagay na tinabla ng batang Marcos.
“That’s like asking a student to grade their own paper in an exam, diba? Kahit anong magiging resulta ng ng pag-iimbestiga kung i-resume sa lower house, ang sasabihin ng tao is sangkot naman ang mga tao dyan, wala kaming tiwala sa report,” ani Marcos.
“So let’s leave the Ombudsman and the necessary bodies to do that themselves,” ayon pa sa anak ng pangulo.

Share.
Exit mobile version