DUMAGSA ang mga kababayang mula sa iba’t ibang lugar ang “Job Fair” at iba pang mga programang inilunsad ng Pasay local government Unit (LGU) kasabay ng selebrasyon sa kaarawan ni President Ferdinand “Bongbong” Marcos (BBM) na ginanap sa Cuneta Astrodome sa lungsod ng Pasay .
Nagsimula ang programa ng alas 8:00 ng umaga kahapon at inaasahan matatapos ng alas 4:00 ng hapon.
Pinangunahan ni Pasay City Mayor Emi Calixto Rubiano ang aktibidad kung saan umabot sa 15 companies ang nakilahok sa naturang job fair na may kabuuang 4,660 Job vacancies naman ang naghihintay sa mga naghahanap ng trabaho.
Layunin ng nasabing aktibidad na maghatid ng direktang tulong, serbisyo publiko, at abot-kayang bilihin para sa mga mamamayan ng Pasay at mga karatig-lugar.
Kasama sa mga Programa at Serbisyong Ipagkakaloob sa mamayan ang ₱20 kada kilong bigas, kasama ang iba pang mga murang bilihin.
Libreng bigas para sa 500 napiling benepisyaryo mula kay PBBM.
Payout para sa libu-libong benepisyaryo ng TUPAD Program sa pamumuno ng Department of Labor and Employment (DOLE).
Kasama din ang Serbisyong Pangkalusugan ng (DOH & PhilHealth)—Free medical consultations, risk assessment, at flu vaccination at pamimigay ng libreng wheelchairs at iba pang tulong-medikal.
Bukod pa dito may Libreng legal assistance din mula sa Department of Justice (DOJ), Bureau of Immigration (BI) , at Board of Tax Appeals.(Gina Garcia)
Trending
- Eight-gold target ng PH sa Asian Games
- Alex Gonzaga naiiyak sa tuwing nakikita ang anak
- Sharon Cuneta may dalawang concert sa Amerika
- Ivana Alawi mamimigay ng 20 motorsiklo
- Singil sa kuryente bumaba; may dagdag sa tubig
- P60 KADA ARAW: DAGDAG SUWELDO
- Piso subsob kontra dolyar; pinakagrabe sa kasaysayan
- Ex-Speaker Martin Romualdez kalaboso sa QC City Jail
