Mula sa mga cellphone, motorsiklo naman ang susunod na ipamimigay ni Ivana Alawi sa kanyang followers.

Inanunsyo ng actress-content creator sa isang video na 20 motorsiklo ang nakalaan para sa kanyang bagong giveaway.

Kukunin umano ang mga mapipiling winner mula sa followers ng Hikari – Main Facebook page.

“Follow nyo na ang Hikari – Main dun tayo mamimili! Kahit saan ka sa pinas ipapadala sayo ang motor kapag napili ka,” saad ni Ivana.

Agad namang dumagsa ang interes sa bagong giveaway matapos itong ibahagi ng aktres sa social media, lalo na’t sinabi niyang maaaring maihatid ang premyo saan mang bahagi ng Pilipinas ang mapiling winner.

Kasabay nito, balak ding ipagpatuloy ni Ivana ang nauna niyang pamimigay ng iPhone 17. Sa 100 units na inilaan niya, mahigit 50 pa umano ang natitira.

“Tuloy na natin ang iPhone 17 pamigay? May 50+ pcs pa natira,” aniya sa hiwalay na post.

Nauna nang naging kontrobersyal ang iPhone giveaway ni Ivana matapos niyang iugnay ang mechanics nito sa pag-follow sa isang online gaming platform na kanyang ine-endorso.

Nakatanggap siya noon ng batikos, habang ilang celebrities din ang nagpahayag ng kani-kanilang saloobin tungkol sa pag-eendorso ng online gambling.
====

Share.
Exit mobile version