Inaasahan ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na maaaring umabot sa 7.1% hanggang 7.9% ang headline inflation sa Pilipinas nitong Mayo dahil sa pagtaas ng presyo ng ilang pangunahing bilihin.
Ayon sa BSP, kabilang sa mga nagtulak ng pagtaas ng presyo ang mahal na bigas, gulay, at karne, pati na rin ang paghina ng piso laban sa ibang currency na nagdagdag sa inflationary pressures.
“The BSP projects May 2026 inflation to settle within the range of 7.1 to 7.9 percent. Upside price pressures were driven by rising prices for rice, vegetables, and meat, as well as the depreciation of the peso,” ayon sa ahensya.
Gayunman, sinabi rin ng BSP na may ilang salik na nakatulong upang mabawasan ang pagtaas ng presyo, kabilang ang pagbaba ng presyo ng produktong petrolyo, mas mababang presyo ng isda, at bahagyang pagbaba ng singil sa kuryente.
“The recent rollbacks in domestic fuel prices, lower prices for fish, and slightly lower electricity rates partially offset the prevailing upside price pressures,” dagdag ng BSP.
Matatandaang umabot sa 7.2% ang inflation noong Abril mula sa 4.1% noong Marso, na mas mataas sa inaasahang forecast ng BSP. Ayon sa ulat, ang pagtaas ay pangunahing dulot ng mas mahal na pagkain at transportasyon, na naapektuhan ng pabago-bagong presyo ng langis sa pandaigdigang merkado dahil sa tensyon sa Middle East.
Trending
- SEN. JINGGOY SUMUKO SA PNP-CIDG
- PNVF sususpindehin ng POC
- Spurs pinatalsik Oklahoma, pasok sa NBA Finals
- Ashley, nilaglag ang relsyong Kathryn-Mark
- Ken, may trabaho sa Thailand?
- Kiray, may pa-contest sa gender ng baby
- International scholarships para sa guro palalawigin ng DepEd
- Negosasyon sa ASEAN digital economy framework agreement, natapos na

