Parehong pamamaraan na ginamit sa pag-aresto kay dating pangulong Rodrigo R. Duterte ang ipatutupad muli sa pag-aresto sa iba pang akusadong Filipino na papatawan ng arrest warrants ng International Criminal Court (ICC).
“I don’t want to preempt the ICC, we already have a model on how to implement them to whoever will be the subject of the arrest warrants,” sinabi ni Justice Undersecretary Nicholas Felix L. Ty
Magugunita na bukod kay Duterte, iniimbistigahan din ng ICC suna Senador Bato dela Rosa, dating PNP Chief Oscar Albayalde at iba pang dating opisyal na nagpatupad ng drug war campaign.
“Abangan na lang natin kung maglalabas ng warrant of arrest laban sa kanila,” ani Ty.
Ipinaalala ni Ty na kahit hindi na umano miyembro ng ICC ang Pilipinas, kailangan pa rin nitong ipatupad ang arrest warrant dahil sa pagiging miyembro ng Interpol.
Maliban dito, ipinatutupad din ng pamahalaan ang Republic Act (RA) No. 9851, Philippine Act on Crimes Against International Humanitarian Law, Genocide at Other Crimes Against Humanity.
Ang mga batas na ito aniya ay halos katumbas ng Rome Statute.
Trending
- Halos 1000 atleta, sasabak sa PH Athletic Championships
- Ama ni Divine Adili sumisigaw ng hustisya
- Nadine Samonte gigil sa ugali ng ilang flight attendants
- Kaye Abad nagpa-pink ribbon tattoo bilang simbolo ng pag-survive niya sa cancer
- Claudia pinapaalis apelyido ni Dennis Padilla
- Testimonya ng 18 ‘Maleta Boys’ hindi tatayo sa korte – Malacañang
- P50K sahod sa mga Pinoy nurse itinulak
- Chavit, nagpiyansa sa cyberlibel
