May isang dating karelasyon si Heart Evangelista na hanggang ngayon ay may naiiwang kuwento sa kanya matapos umano siyang pagtaksilan nito.
Napag-usapan ang naturang ex nang sagutin ni Heart ang isang personal na tanong sa kanyang game show tungkol sa gagawin niya sa mga regalong natanggap mula sa isang dating nobyong hindi naging maayos ang kanilang paghihiwalay.
Kuwento ng actress-host, minsan siyang nakatanggap ng diamond mula sa isang lalaki na nagbigay sa kanya ng isang espesyal na singsing na binubuo ng tatlong diamond na magkakadikit at may heart illusion.
Pero dahil nagtaksil umano sa kanya ang naturang ex, hindi na niya piniling itago ang diamond.
Sa halip, ipinamahagi niya ito sa charity matapos siyang labis na masaktan sa nangyari.
May isa pa raw siyang natanggap na necklace mula sa dating nobyo na ibinenta naman niya.
Pabirong dagdag ni Heart, “Services rendered naman,” bilang reaksiyon sa regalong naiwan sa kanya ng ex.
Hindi naman pinangalanan ni Heart ang dating karelasyon kaya nananatiling palaisipan kung sino ang lalaking tinutukoy niya at kung kabilang ba ito sa showbiz o isang non-showbiz personality.

Share.
Exit mobile version