Magpapahinga muna si Filipina tennis star Alex Eala matapos ang kanyang kampanya sa Canadian Open bago bumiyahe patungong Cincinnati para sa susunod na torneo.
Sa kanyang post-match press conference na inilathala sa YouTube channel ng Tennis Canada, sinabi ni Eala na maglalaan siya ng isa hanggang dalawang araw na pahinga upang maalis muna ang isip sa tennis.
“I definitely will take maybe two days off, a day or two. I do have to travel to Cincinnati. I need to get a haircut. I haven’t gotten a haircut in a while. My nails are grown out,” ani Eala.
“So, yeah, I’ll do a couple things, just to get my mind off tennis. I think Toronto’s a great place to do that.”
Bukod sa pagpapagupit, inaasahan din niyang makakasama ang ilan sa kanyang mga kaibigan pagdating sa Cincinnati.
“I will reunite maybe with some friends in Cincinnati, and just try to have fun,” saad ni Eala. “I’ll be back on court like that (snaps fingers), so I got to enjoy what I have. I got to enjoy the time that I have that I’m not on court.”
Natapos ang kampanya ni Eala sa Canadian Open matapos siyang matalo kay Tokyo Olympics gold medalist at World No. 14 Belinda Bencic, 4-6, 0-6, sa Round of 16 noong Agosto 10.
Sa kabila ng pagkatalo, sinabi ng Pinay netter na positibo pa rin ang kanyang pananaw matapos ang naging takbo ng kanyang mga torneo sa nakalipas na dalawang linggo.
“It’s always tough, of course, after a loss, but like I said, I’m looking back at these past maybe two weeks as a really big positive. I think I’ve played really well. I’ve gotten through so many obstacles. Of course, right now, there’s that initial kind of just a little tired and down from the match. But yeah, I’m healthy, which is something I’m super grateful for, something that’s obviously on the top of my priority all the time,” ani Eala.
Dagdag pa niya, dadalhin niya ang mga natutunan sa mga nakalipas na laban sa kanyang susunod na mga torneo.
“So, yeah, I’m counting my blessings. I’m taking the lessons that I have I’ve had from these two weeks and hopefully implementing them even more and in a better way in Cincinnati and New York.”
====
Trending
- Apple David nagbabala na sa bashers
- Alex Eala magpapa-salon muna bago sumabak sa Cincinnati Open
- Heart ipinamahagi ang diamond mula sa “ex”
- Demanda ni Kim sa ate, tuloy na tuloy!
- Fans ni Kath, suportado ang Thailand trip kasama si Mayor Mark
- Mas mataas na tax exemption sa empleyado, maliliit na negosyo
- Pilipinas : May $600M grant sa healthcare system
- Pagkakalat ng impormasyon sa lagay ng panahon, ibinabala
