Hindi pa humuhupa ang interes ng publiko sa kontrobersiyal na “habulan” sa Senado na kinasangkutan ni Senador Ronald “Bato” dela Rosa.
Isang online game na pinamagatang “Senate Run” ang kasalukuyang trending sa social media matapos ibahagi ng app builder na si Jopel ang kanyang likha.
Inspirasyon sa likod ng laro ang nag-viral na CCTV footage noong Mayo 11, kung saan makikita ang mabilis na pagtakbo ni Dela Rosa sa mga pasilyo ng Senado upang iwasan ang mga operatiba ng National Bureau of Investigation (NBI) na magsisilbi sana ng warrant of arrest mula sa International Criminal Court (ICC).
Sa kanyang post sa TikTok, sinabi ni Jopel na hindi niya inaasahan ang mainit na pagtanggap ng publiko sa kanyang ginawang parodiya.
Aniya, “Run for your life ang ginawa ko eh… Senate Run now playable! Hello everyone!! I didn’t expect na bebenta to HAHAHAHHA.”
Makikita sa ibinahagi niyang video kung paano isinalin ang naturang eksena ni Dela Rosa sa isang nakakaaliw na pixel-art game.
Sa kasalukuyan, maaari lamang daw laruin ang “Senate Run” sa pamamagitan ng web browser.
Wala pa itong bersiyon para sa Google Play Store o Apple App Store dahil may mga kaakibat itong bayarin na hindi raw niya kayang tustusan bilang isang “broke” developer.
Trending
- Lookout order vs Leviste, iba pa hiniling ng NBI
- Campus attack sa Banga, planado ng attacker
- Pacquiao : May honorary doctorate mula PNU
- Netizens, pinuri si Echo sa pagiging gentleman at sweet
- Atasha, nag-flex ng abs
- Katherine, hindi na naiilang kay Coco!
- ASIA TOUR NI GABE TARDIO SA OPUS MALL DINAGSA
- Philippines Men’s at Women’s Teams wagi sa 46th Chess Olympiad

