Arestado ang 42-anyos na film director sa child abuse sa Barangay Tagapo, Sta. Rosa City, Laguna.
Kinilala ang suspek na si “Direk Erol”, may asawa at residente ng Quezon City.
Nasakote si Erol 8:55 ng umaga noong Agosto 15 sa loob ng isang kilalang mall ng mga operatiba ng Laguna Provincial Special Operations Unit, Laguna Provincial Intelligence Unit, at Sta. Rosa City Police.
Nag-ugat ang pag-aresto sa warrant of arrest na inisyu noong Hulyo 8, 2025 ng Regional Trial Court Branch 58 sa Quezon City kaugnay ng dalawang bilang ng umano’y paglabag sa Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act.
May inirekomendang piyansang tig-P180,000 para sa bawat kaso.
Kasalukuyang nakadetine ang direktor sa Sta. Rosa City Police custodial facility.
Trending
- SGA wagi vs Japan sa 2026 William Jones Cup
- Kai Sotto maglalaro muli para sa Gilas Pilipinas
- Netizens, unli-reax sa pagkaka-tie nina Pokwang at Ruby Ruiz sa Cinemalaya 2026 best actress
- Ruru, nag-emote kay Bianca
- Atasha, sinabihang ‘hilaw’ at ‘supot’ sa musical play
- Film director timbog sa child abuse
- KOTONGERO DINAMPOT SA NAVOTAS
- HOME OWNER ASSOCIATION’S PRESIDENT TINODAS
