Nagbabala ang Department of Public Works and Highways (DPWH) nitong Linggo laban sa mga scammer na nagpapadala ng mensahe at nagpapanggap na mga opisyal ng ahensya.
Sa isang public advisory sa kanilang Facebook page, pinaalalahanan ng DPWH ang publiko na huwag basta maniwala sa mga mensahe mula sa mga manloloko na gumagamit ng pangalan ni DPWH Secretary Vince Dizon o iba pang opisyal ng ahensya.
Ayon sa DPWH, nagpapanggap ang mga scammer bilang mga executive ng ahensya upang makapanloko ng pera, o manghingi ng impormasyon at pabor mula sa mga biktima.
May kalakip na screenshots ng mga mensahe mula sa mga umano’y manloloko ang advisory.
Pinaalalahanan din ng DPWH ang publiko na maging alerto at mag-ingat sa ganitong mga mensahe. Maaari ring i-report ang mga pekeng at kahina-hinalang transaksyon sa email na citizens_feedback@dpwh.gov.ph o sa kanilang Facebook account.
Maari ring magsumite ng report sa DPWH hotline na 165-02 o sa Viber number na 09616847084.
Trending
- NU talo sa huling 3 laro sa UAAP Season 88 women’s volleyball
- 3 NBA team, pasok na sa 2026 Playoffs
- Vhong Navarro, may iniinda na sa katawan
- Anne at Eman bagay mag-collab
- Daniel ipakikilala na ni Kaila sa buong pamilya De Belen
- 3 patay sa kinaing ‘butete’
- 3 bebot nasawi sa lumubog na bangka
- Katoliko pinayagan sa organ transplants mula hayop – Vatican
