Dalawang hakbang ang sabay na ipinatupad ng pamahalaan upang maibsan ang bigat ng presyo ng langis at bilihin sa bansa.

Ito  ay ang suspensyon ng excise tax  at ang P10 kada litro na subsidy sa mga driver ng pampasaherong behikulo.

 Ipinahayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na suspendido na ang excise tax sa kerosene at liquefied petroleum gas (LPG).

Sa LPG, tinanggal ang ₱3.36 kada kilo, katumbas ng humigit-kumulang ₱37 kada tangke.

Sa kerosene, nabawasan ng ₱5.56 kada litro. Layunin nitong magbigay ginhawa sa mga kabahayan na umaasa sa LPG at kerosene para sa pagluluto at pang-araw-araw na gamit.

Ang  P10/L Fuel Subsidy para sa mga Drayber .

Kasabay nito, inilunsad ang ₱10 kada litro na subsidyo sa diesel para sa mga pampublikong sasakyan.

Nagsimula ang pilot program noong Abril 14, 2026 sa Metro Manila, una para sa mga jeepney.

May 52 gasolinahan sa NCR na accredited para sa diskwento.

Saklaw ng programa ang hanggang 150 litro kada linggo bawat sasakyan, na tatagal hanggang Hulyo 2026.

Target nitong makinabang ang mahigit 142,000 jeepney at UV Express units sa buong bansa.

Para sa mga pamilyang gumagamit ng LPG at kerosene, direktang mararamdaman ang bawas-presyo sa kanilang pang-araw-araw na gastusin.

Para sa mga PUV drivers, ang ₱10/L subsidyo ay mas mataas kaysa sa posibleng ₱6/L na matitipid kung suspensyon ng excise tax sa diesel ang ipinatupad.

Sa kabuuan, inaasahang makakatulong ito sa pagpigil sa pagtaas ng pamasahe at sa pagbawas ng inflationary pressure sa merkado.

 Ang kombinasyon ng excise tax suspension at fuel subsidy ay malinaw na tugon ng pamahalaan sa tumataas na presyo ng langis at pagkain. Sa mga darating na buwan, susubaybayan kung paano ito makakaapekto sa pamasahe, presyo ng bilihin, at kabuhayan ng mga Pilipino.

Share.
Exit mobile version