SUMABOG ang  palitan ng maaanghang na  salita sa pagitan ni US President Donald Trump at ni Papa Leo XIV kaugnay ng posisyon ng Santo Papa laban sa digmaan sa Iran.

Sa social media, binatikos ni Trump si Papa Leo XIV, tinawag siyang “mahina sa krimen” at “masama para sa foreign policy.”

Ang batikos ay kaugnay ng mariing pagtutol ng Santo Papa sa nagpapatuloy na giyera laban sa Iran, kung saan nananawagan siya ng kapaya  paan at dayalogo.

Pero rumesbak ang Santo Papa sa batikos ni Trump nang magbiyahe ang lider ng simbahan patungong Algeria noong Abril 13.

Iginiit ni Papa Leo:

“Wala akong takot sa administrasyong Trump, at patuloy kong ipapahayag nang malakas ang mensahe ng Ebanghelyo.”

Binanggit niyang hindi siya papasok sa direktang pulitika, ngunit tungkulin niyang ipaglaban ang kapayapaan.

Bihira ang pagkakataon na direktang atakihin ng isang US president ang Santo Papa, kaya’t itinuturing itong makasaysayang banggaan.

Ipinapakita ng sagupaan ang lalim ng hidwaan sa pagitan ng Vatican at Washington hinggil sa patakaran sa Gitnang Silangan.

Sa kabila ng batikos, nananatiling matatag ang Santo Papa bilang boses ng kapayapaan at katarungan sa pandaigdigang komunidad.

 Ang “verbal war” na ito ay hindi lamang simpleng palitan ng salita, kundi sumasalamin sa mas malawak na tunggalian ng kapangyarihang pampulitika at moral na paninindigan

 

Share.
Exit mobile version