Inihayag ng Department of Information and Communications Technology (DICT) nitong Martes na hindi iba-ban ang Roblox sa Pilipinas, kasunod ng mga pangamba ng publiko tungkol sa pang-aabuso at online exploitation ng mga bata.
Ayon sa DICT, nakipagpulong sila ngayong araw sa Roblox, Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC), mga law enforcement agency, at pribadong sektor upang linawin na mananatiling bukas ang gaming platform sa bansa at nananatiling pangunahing prayoridad ang kaligtasan ng mga kabataan.
Ipinakita anila ng Roblox ang kanilang mas mahigpit na safeguards, kabilang ang mas masusing monitoring, reporting mechanisms, at age-appropriate content controls.
Magsasagawa rin umano ng information campaign ang kompanya sa Abril 12 upang higit pang paigtingin ang proteksyon at gabayan ang mga magulang sa tamang paggamit ng platform.
Hinikayat ng DICT ang mga magulang na gamitin ang parental controls upang masubaybayan at maprotektahan ang mga anak sa digital space, bantayan ang screen time, magtakda ng limitasyon sa pagbili, i-block ang hindi angkop na experiences, at pumili ng content na akma sa edad.
“Digital safety ay responsibilidad ng platform, gobyerno, at bawat pamilya. Sama-sama nating bantayan at protektahan ang kabataang Pilipino sa online space,” pahayag ng ahensya.
Trending
- Lakers bigo vs Thunder
- Bol Bol ibinangko ni coach Chot
- Sister ni Winwyn Marquez wagi sa beauty pageant sa Indonesia
- Pinay singer bumida sa ‘Britain’s Got Talent
- Max Collins, pagod ng hanapin ang ama
- Pope Leo: Tigil-putukan sa Iran ‘senyales ng totoong pag-asa’
- Halos 3.7M nagparehistrong botante para sa 2026 BSKE – Comelec
- DICT: Roblox ‘di iba-ban sa ‘Pinas

