Hawak na ng Detroit Pistons ang 2-0 lead laban sa Cleveland Cavaliers matapos muling dominahin ang Game 2, 107-97.
Hindi pinaporma ng Pistons ang Cavs sa kabila ng 31-point explosion ni Cleveland guard Donovan Mitchell.
Nagpumilit ang Cavaliers na burahin ang 11-point halftime lead ng Pistons sa ikatlong quarter at nagawa nilang ibaba ang lamang sa apat na puntos.
Gayunpaman, muling umarangkada ang Detroit sa huling yugto sa pangunguna ni Cade Cunningham, na nagtala ng 28-22 run upang tuluyang isara ang laban sa 107-97.
Nagrehistro si Cunningham ng double-double performance sa ikalawang sunod na panalo ng Detroit — 25 points at 10 assists, bukod pa sa dalawang block at isang steal.
Siya rin ang may pinakamataas na plus-minus rating (+13) sa laro, habang sinundan ng bench player na si Daniss Jenkins na kumamada ng 14 points at +9.
Lilipat na sa Cleveland ang Game 3 ng serye sa pagitan ng dalawang koponan.
Trending
- Mike Phillips, pumirma na sa Kyoto Hannaryz
- Pacquiao-Mayweather rematch record-breaking event pa rin
- Awra, nirampa na ang operaadang ilong
- Rhian, flinex ang tattoo sa puwet
- Richard at Barbie, aayuda sa Bicol
- Lacson umaray sa banat na nadobleng yaman
- ‘Forgiveness clause’ sa rape cases sa Penal Code, ipinatatanggal
- Beripikasyon ng DPWH sa Taguig, kinuwestiyon
