INILUNSAD ng Department of Education, CHED, at Technical Education and Skills Development Authority (TESDA), ang tatlong bagong programa sa ilalim ng One Education nitong nakalipas na Oktubre 9, upang palawakin ang suporta sa mga mag-aaral at magbukas ng mas malawak na pagkakataon mula sa pag-aaral patungo sa trabaho.

Sa LINGAP Program, naglaan ng ₱182 milyon para sa 870 iskolarship slots para mas maraming guro at kawani ang makapag-aral ng paggabay at sikolohiya, na naglalayong palakasin ang suportang pangkaisipan sa mga paaralan.

Inilunsad din ang LAPIT Index, isang kasangkapan na tutukoy kung saan kulang ang mga pagpipilian sa edukasyon ng mga kabataan.

Kasabay nito, ipinakilala ang ILEEP, na magbibigay ng alternatibong landas kung saan maaaring makapagtrabaho agad ang mag-aaral habang patuloy na nagpapaunlad ng kanilang kasanayan at edukasyon.

Eto ang patunay na ang Training to Trabaho ay hindi lang isang catchphrase kundi ang mantra sa likod ng mga repormang inilalatag natin sa sektor ng edukasyon,” ayon kay Tesda Secretary Kiko Benitez.

“Programs like ILEEP allow us to provide seamless occupational pathways that will allow workers and learners to move from basic education, higher education, and tech-voc toward employment, business, or whatever gainful career they so desire.”

“We owe it to Filipinos to give them many ways, many chances for them to succeed,” dagdag pa ni Benitez. (Gina Garcia)

 

Share.
Exit mobile version