Bongga ang pagtanggap ng mga Thai viewers kay Catriona Gray matapos siyang lumabas bilang espesyal na panauhin sa comeback season ng reality talent show na “True Academy Fantasia.”
Halatang marami ang nag-abang sa paglabas ng Pinay beauty queen dahil agad itong pinag-usapan sa social media at naging trending topic online.
Si Catriona ang kauna-unahang special guest na ipinakilala sa ika-13 season ng programa, na muling nagbalik matapos ang mahigit isang dekadang pahinga mula nang matapos ang huling season nito noong 2015.
Kapansin-pansin din ang excitement ng mga finalist na kilala bilang “The Chosen 12,” na tila pamilyar na pamilyar sa dating Miss Universe.
Maging ang mga manonood sa loob at labas ng bahay ay nagpahayag ng paghanga sa kanyang pagbisita.
Hindi lang basta guest appearance ang ginawa ni Catriona dahil nagbahagi rin siya ng mga payo at karanasan sa mga contestant, lalo na pagdating sa confidence, stage presence, at tamang pakikipag-ugnayan sa audience.
Marami tuloy ang humanga sa naging partisipasyon ng Pinay beauty queen sa isa sa pinakasikat na reality talent competitions sa Thailand.
Ang “True Academy Fantasia” ay isang 24-hour reality at talent search program na may konseptong kahalintulad ng isang talent competition at house-based reality show, kung saan ang kapalaran ng mga kalahok ay nakasalalay rin sa boto ng publiko.
====
Trending
- Mommy ni Eman Bacosa: ‘Malinis ka maglaro at ‘di madaya
- Coach Chot Reyes ‘very good coach’ ang pagkakakilala kay Tab Baldwin
- Pops Fernandez nagreak sa kanyang estatwa
- Catriona Gray trending sa Thailand
- Piolo Pascual ‘tinuka’ si Arci Muñoz
- DOT, naglunsad ng discounted travel deals para sa lokal na turismo
- Ikalawang dagdag-toll sa SLEX, STAR, ipatutupad sa Hulyo 1
- Proseso sa pagpapalit ng mga konsyumer ng supplier ng kuryente hiniling paikliin

