Nagbaril ng sarili ang isang police corporal na naging sanhi ng kanyang agarang pagkamatay sa Alabel, Sarangani kamakailan.

Kasapi ang naturang police corporal ng 1st Sarangani Provincial Mobile Force (1st SPMF) na sakop ng Sarangani Provincial Police Office at residente ng General Santos City.

Sa ulat ng mga opisyal ng Alabel Municipal Police Station at ng Sarangani Provincial Police Office na humiling na huwag silang kilalanin, nag-usap hinggil sa kanyang mga problema sa kanilang barracks ang corporal at kanyang misis, kasama ang isang opisyal ng 1st SPMF at dalawang ibang pang miyembro ng naturang unit ng nagpaalam itong pupunta sa rest room at, doon binaril ang sarili gamit ang kanyang service M16 rifle.
Patay on-the-spot ang corporal sa tama ng bala sa kanyang ulo.

Share.
Exit mobile version