At saan pupunta matapos mamatay?
Opo, sa Kaluwalhatian ng Diyos na Walang Hanggan:
Ang Diyos ang buhay, ang patay ay patay:
Patay na libag,patay na buhok, patay na ngipin, patay na kuko.
Wala na ang katawang sanggol, wala na ang katawan kahapon,
At ang katawan ngayon, bilyon-bilyong selula, ang namamatay,
Bawat saglit. Dit sa lupa lahat nababago,
nawawala, napaparam, natatapos, lumilipas, pumapanaw.
Opo, ngunit
iyong hindi nagdidili-dili, hindi nagninilay,
ay nakakatikim ng kamatayan bawat saglit ng lupang katawan.
At, yaong nagdidili-dili at nagninilay:
Natititikman sa pananahimik, katulad ng Diyos
walang imik sa patuloy na paglalalang, ang Walang Hanggan.
Sa tuwing matatahimik:
Dinadala ang lahat ng pansin, at kamalayan:
Sa Katiwasayan, Kapanatagan, Kaluwalhatiang Kabanal-banalang walang hanggang!

