SUMAILALIM ang Bureau of Corrections (BuCor) sa cyber security seminar ng Department of Justice (DOJ) at National Bureau of Investigation (NBI) nitong Setyembre 24 araw ng Huwebes.

Palalakasin ang kakayahan ng BuCor personnel sa isinagawang seminar ng DOJ at NBI .

Sa temang “Within the Walls: Strengthening Cyber Capabilities”, binigyang-diin sa seminar ang kahalagahan ng cybersecurity sa pagprotekta sa mga operasyon, sistema ng impormasyon, pasilidad, at tiwala ng publiko na ipinagkatiwala sa ahensya.

Tinanggap ni BuCor Deputy Director General Asec. Al Perreras ang mga kalahok sa ngalan ni Director General Gregorio Pio Catapang Jr.

Sa kanyang mensahe, binigyang-diin ni Perreras na ang aktibidad ay higit pa sa pagkakataong makakuha ng teknikal na kaalaman.

Ayon pa dito kumakatawan sa sama-samang paninindigan ng mga kawani ng gobyerno na protektahan ang institusyon mula sa mga banta sa cyber na maaaring makagambala sa operasyon at makakompromiso sa sensitibong impormasyon.

Binanggit niya na habang patuloy na gumagamit ang BuCor ng makabagong teknolohiya sa pang-araw-araw na operasyon nito, patuloy ding dumarami ang mga panganib na kaakibat ng paggamit ng mga digital platform at sistema ng impormasyon.

Dahil sa mga panganib na ito, binigyang-diin ni Perreras ang pangangailangan para sa bawat empleyado na manatiling responsable, mapagmatyag, at mapanuri sa paggamit ng mga digital platform at sistema ng impormasyon.

Binigyang-diin niya na ang cybersecurity ay hindi dapat tingnan lamang bilang responsibilidad ng mga tauhan sa information technology.

Sinabi naman ni BuCor director Catapang, inaasahang mapapahusay ng pagsasanay ng DOJ-NBI ang kakayahan ng mga tauhan ng BuCor na tukuyin ang mga panganib sa cyber, tumugon sa mga insidente, at magpatupad ng mga hakbang sa pag-iwas sa kani-kanilang lugar ng trabaho.

Nagbibigay din ito ng daan para sa pagpapatibay ng koordinasyon at pagbabahagi ng impormasyon sa pagitan ng mga ahensya ng gobyerno sa pagtugon sa mga usapin ng cybersecurity.

“It is our continuing efforts to build a more secure and resilient public service. By equipping personnel with the necessary knowledge and skills, the seminar aims to help ensure that BuCor’s critical systems remain protected and operational,” ani BuCor director . (Gina Garcia)

Share.
Exit mobile version