Pesteng turon ‘yan, masarap nga pero doon naman napingas ang ngipin ni Buboy Villar.
Magiging maingat na marahil ang Kapuso actor bago kumain ng banana fritter o turon.
‘Yun kasi ang dahilan ng pagkabasag ng kanyang “bakod.”
Sa kanyang Instagram, ibinahagi ni Buboy ang kuwento tungkol dito.
May nagdala daw ng pagkasarap-sarap na turon sa set ng ginagawa niyang project.
Habang nilalantakan ito, natigilan daw si Buboy na nakakain ng matigas.
Inakala niyang namuong asukal ‘yon.
Ang matigas na bagay palang ‘yon ay ang napingas niyang ngipin.
Agad-agad siyang nagtungo sa dental clinic para ipaayos ito.
Buti na lang, agad itong na-restore to its original form and look.
Kung hindi, baka magpalit na siya ng pangalan — imbes na Buboy, e, “Bungi Villar” na!
====
Trending
- Eight-gold target ng PH sa Asian Games
- Alex Gonzaga naiiyak sa tuwing nakikita ang anak
- Sharon Cuneta may dalawang concert sa Amerika
- Ivana Alawi mamimigay ng 20 motorsiklo
- Singil sa kuryente bumaba; may dagdag sa tubig
- P60 KADA ARAW: DAGDAG SUWELDO
- Piso subsob kontra dolyar; pinakagrabe sa kasaysayan
- Ex-Speaker Martin Romualdez kalaboso sa QC City Jail
