Nilagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang batas na nagpapaliban sa nakatakdang Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) ngayong Nobyembre Twenty Twenty Six.
Sa ilalim ng bagong batas, itinatakda na ang termino ng mga opisyal ng barangay at SK ay magiging limang taon.
Ibig sabihin,  ang halalan na nakatakda sana sa Nobyembre 2,      Dosmil Beinte Sais  ay ililipat sa Nobyembre 13, 2028.
May bagong termino ang barangay officials —limang taon, maximum ng dalawang magkasunod na termino.
Sa SK officials ay limang taon, ngunit limitado sa isang termino.
Nakahandas ang Comelec na ipatupad ang bagong batas.
Ang mga nakahandang materyales para sa  Twenty Twenty Six elections ay gagamitin na lamang sa Twenty Twenty Eight upang hindi masayang ang pondo.
Naniniwala ang ilang mambabatas na mas mahaba ang panahon para sa barangay leaders na magpatupad ng mga programa at proyekto.
Pero ayon sa election lawyer na si Romulo Macalintal, ito ay isang “tatlong taong extension nang walang pahintulot ng botante,” na maaaring lumabag sa karapatan sa pagboto.
Bagama’t dati nang kinilala ng Korte Suprema ang kapangyarihan ng Kongreso na magtakda ng termino, inaasahang haharapin ng bagong batas ang mga hamong legal.
Inaasahang magpepetisyon sa Korte Suprema ang ilang grupo upang mapigil ang implementasyon ng naturang batas.
Share.