Patay ang isang barangay captain nang pagbabarilin habang pauwi sakay ng motorsiklo sa Barangay Kansumandig, La Libertad, Negros Oriental nitong Miyerkules, Setyembre 23.
Ayon sa Police Regional Office-Negros Island Region (PRO-NIR), nangyari ang pamamaril bandang alas-5:20 ng umaga sa Sitio Mabilog habang pauwi ang opisyal mula Barangay Pacuan.
Nakarinig umano ng sunod-sunod na putok ang mga residente bago natagpuan ang biktima na nakahandusay sa kalsada. Nakatakas naman ang salarin o mga salarin bago dumating ang mga awtoridad.
Narekober ng mga imbestigador sa lugar ang tatlong basyo at apat na slug ng kalibre .45 na baril, gayundin ang isang cellular phone.
Iniutos ni PRO-NIR director Police Brig. Gen. Rudecindo Reales ang pagbuo ng Special Investigation Task Group upang tutukan ang kaso at matukoy ang nasa likod ng pamamaril.
Patuloy na iniimbestigahan ng pulisya ang motibo sa krimen at pagkakakilanlan ng mga suspek. Nangalap din ang mga awtoridad ng posibleng CCTV footage at impormasyon mula sa mga saksi na maaaring makatulong sa imbestigasyon.
Trending
- Bien Zoleta, emosyunal sa unang panalo sa Asian Games
- Jho Maraguinot babu na sa pro volleyball
- Alden, tablado sa bagong VMX star
- Rochelle, ipinagtanggol ni Aira
- Cherry Pie, nakakain ng spoiled food, naospital
- Ilang estudyante, sumasakay sa airbed upang makatawid sa ilog para makapasok sa paaralan
- Lakam Chiu dinala na sa Quezon City court
- DOJ: Tuloy-kaso sa missing sabungeros kahit ‘di sumipot ilang pamilya
