Muling nakapuwesto si Kathryn Bernardo sa listahan ng Gen Z, partikular na sa ilang mga newbie sa showbiz.
Base sa choices ng baguhang si Anthony Constantino, napatunayang malakas pa rin ang pang-akit ni Kathryn sa mga nakababatang male personalities.
Sa isang video na kumalat sa X, natanong si Anthony sa isang tila ambush interview kung sino ang “Top 3 Most Beautiful Pinay actresses” para sa kanya.
Sumagot naman si Anthony at una niyang binanggit ang pangalan ni Kathryn. Sumunod ay si Marian Rivera.
Nag-isip pa nga si Anthony sa ikatlo, at kapansin-pansin na saka lang niya naalala si Shuvee Etrata, gayong natsitsismis na may namumuong relasyon na sa kanilang dalawa.
Hindi naman sinabi kung latest o throwback an nasabing interview, pero gusto lang patunayan ng nag-upload ng video na nanatiling nasa top line si Kathryn sa mga paborito ng millenials ngayon.
Eto naman ang komento ng ilan.
“Mas maganda sya sa personal”.
“Mas maganda sya sa personal talaga na huling kita ko sa kanya , feeling ko mas lalo na syang gumanda”.
“Same literal na nakakatulala as in…Face to face ko cya nakia sa hk film showing ng can’t help, grabe tulala ko sa kanya di akalain ganun kaganda.”
Trending
- Anjo, lumantad na sa publiko!
- Bimby, nagte-training sa mixed martial arts
- Beauty ni Kathryn Bernardo patok sa Gen Z
- Jessa at Dingdong nagdaos ng silver anniv.!
- Karina Bautista ibinalandra kaseksihan
- Yasser, gaganap na Kristo sa senakulo
- 2 miembro ng ‘Basag Kotse Gang’, arestado
- Barangay hall nasunog sa Bacoor
