Sinimulan na ni Bea Alonzo ang paglipat sa bagong tahanan nila ng kanyang asawang si Vincent Co.
Sa Instagram Stories ng aktres, makikita siyang nakasandal sa mga nakasalansang balikbayan boxes habang abala sa pag-iimpake.
Maikli ngunit makahulugan ang caption niya sa larawan: “Moving day.”
Sa isa pang post, ipinakita naman ng aktres ang kanyang pamangkin na nakangiting nakatayo sa tabi ng mga kahon na tila handang tumulong sa paglipat.
Nilagyan niya ito ng caption na, “My little helper,” ayon kay Bea.
Hindi na rin nagbigay ng karagdagang detalye si Bea tungkol sa kanyang bagong tirahan, ngunit naging sapat na ang kanyang simpleng updates para masilip ng kanyang mga tagahanga ang panibagong yugto ng kanyang buhay.
====
Trending
- Fajardo pinawi ang pangamba sa pagkatalo ng Beermen
- NLEX, nanatiling walang talo sa PBA Governor’s Cup
- Bea Alonzo naglilipat na sa bagong tahanan
- Winwyn Marquez may hanash vs AI project
- Sarah Geronimo nakipagduweto sa ama
- Nuclear energy pag-aaralan ng gobyerno
- Unang Ginang napaluha sa talumpati ni PBBM
- Marcos: Pilipinas ‘di pasisiil sa manlulupig
