Natupok ng apoy ang hilera ng mga bahay malapit sa may Zapote Market sa Barangay Zapote Dos sa Bacoor City, Cavite.
Ayon sa Bureau of Fire Protection- Bacoor, sumiklab ang sunog 4:30, Huwebes ng hapon na mabilis na iniakyat sa ikatlong alarma makalipas ang 40 minuto.
Sa laki ng sunog, nadamay din ang barangay hall at ilang mga tindahan sa lugar.
Wala namang naitalang nasugatan o nasawi sa sunog na naapula, alas otso ng gabi.
Patuloy pang iniimbestigahan ng mga awtoridad ang posibleng sanhi ng sunog at kung ilang pamilya ang naapektuhan.
Trending
- 2 miembro ng ‘Basag Kotse Gang’, arestado
- Barangay hall nasunog sa Bacoor
- 1 sa ‘killer’ ng beauty queen , kinasuhan na
- Emergency vehicle na-tow sa illegal parking
- JAPAN, EUROPE VERSUS IRAN : The Battle of Hormuz
- UCC ANGAT CRIMINOLOGY LICENSURE EXAM
- PISO BAGSAK KONTRA DOLYAR: P60.10 PER DOLLAR
- Buwitreng oil cartel buwisan
