HINARANG ng Bureau of Immigration (BI) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 ang isang 35 anyos na babaeng pasahero mula Doha Qatar matapos madiskubre ang standing warrant of arrest laban sa kanya.

Sa impormasyon ng PNP Avsegroup ang naturang pasahero ay subject ng Bench Warrant of Arrest para sa kasong paglabag sa Section 4(c)(4) ng Republic Act 10175, o ang Cybercrime Prevention Act of 2012, na may inirekomendang piyansa na PhP10,000.00.


Matapos ang pagharang ng immigration sa akusado sa arrival area ay agad itinurn-over sa NAIA Police Station 3 kung saan isinilbi ang warrant of arrest matapos ang beripikasyon.


Ang pasahero ay nanatiling nasa kustodiya ng NAIA Police Station 3 habang hinihintay ang pagbabalik ng warrant at commitment order mula sa Korte.(Gina Garcia)

Share.
Exit mobile version