HINULI ng Bureau of Immigration (BI) Fugitive Search Unit (FSU) ang 51-anyos na Australian national na subject ng Interpol Red Notice, sa operasyon sa Bonifacio Global City (BGC), Taguig City.
Ang pag-aresto sa dayuhan na si alyas Rishi ay isinagawa alinsunod sa mission order na inilabas noong Setyembre 8, 2026, at sa koordinasyon ng PNP-Integrity Monitoring and Enforcement Group (PNP-IG), at Taguig City Police Station.
Sinabi ni FSU Chief Rendel Sy, ang Australiano ay pinaghahanap ng mga awtoridad ng India kaugnay ng mga di-umano’y kinasasangkutan ng criminal conspiracy.
Subject din ng Interpol Red Notice ang dayuhan batay sa warrant of arrest na inisyu ng Court of Chief Judicial Magistrate, Rouse Avenue District Courts, ng New Delhi, India, noong Nobyembre 28, 2024.
Ayon sa India authority, pinadali umano ni Rishi (dayuhan) ang mga fictitious trade transactions ng merchant na naglilihis sa mga pondo ng bangko.
Sinasabi pa ng mga awtoridad na nakakuha siya ng humigit- kumulang USD 430,000 na komisyon sa mga personal mula sa mga transaksyon na nagresulta sa pagkawala ng INR 2.49 bilyon sa National Agricultural Cooperative Marketing Federation ng India (NAFED).
Base sa inisyal na pag-verify ng BI, na ang dayuhan ay huling pumasok sa Pilipinas noong Enero 4, 2026.
Kasunod ng kanyang pagkahuli, itinurn-over ang Autraliano sa BI Warden’s Facility sa Taguig City at mahaharap sa deportation proceedings.(Gina Garcia)
