May mga nagtatanong: Nagtatago nga ba si Anjo Yllana para makaiwas hainan ng arrest warrant kaugnay ng cyber Ibel case na kinakaharap niya?
Nabalita din na “missing in action” diumano si Anjo.
Ito’y kaugnay ng mga hiwalay na cyber libel case na inihain ng TVJ trio na sina Tito at Vic Sotto at Joey de Leon, at Jose Manalo.
Ayon pa sa ulat, hindi daw mai-serve ang arrest warrant dahil hindi matunton ang komedyante.
NPA o No Permanent Address daw kasi ito.
Pero ano itong public sighting kay Anjo–partikular at a dinner sa isang resto?
Ito ‘yung may prank sa kasama ni Anjo na si Ai Ai de las Alas kung saan may nag-propose sa Comedy Queen na isang resto staff.
Kabilang din sa dinner sina Ara Mina, Ynez Veneracion at Charo Cordial na may-ari ng Maddox Jewelry.
Bale, kakuntsaba ang mismong Maddox owner kung saan galing ang engagement ring na ginamit sa prank.
Sa isang bahagi ng video, makikitang nakikikanta pa si Anjo kina Ara at Ynez na kapwa may hawak na mic.
Obyus na kelan lang ang okasyong ‘yon, na dapat sana’y hindi napagkikita si Anjo kung totoo ngang nagtatago ito.
Malaya ba si Anjo na nakapagpiyansa?
Mukha kasing pa-easy-easy lang si Anjo kung kumilos.
O, panakot lang ang pagpapakawala ng balitang “wanted” siya?

Share.
Exit mobile version