Aabot sa P200 ang posibleng ibawas sa airport fees para sa kada pasahero simula sa Abril 1.Sinabi ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Giovanni Lopez na makakatipid na ang bawat pasahero ng P200 sa kanilang mga ticket.
Hindi lang umano sa pasahero dahil maging ang mga airline company ay may tipid din na aabot sa P5,000 sa kada take off o sa kanilang landing fees.
Kung dati raw ay kasi ay nasa mahigit $86 lang ang per barrel ng Gen fuel, ngayon ay pumapalo na sa $200 per barrel dahil sa giyera sa Middle East.
Inaasahan namang tatagal ang nasabing bawas sa airport fees ng hanggang tatlong buwan kung saan makikinabang ang libo-libong pasahero para sa kanilang mga flight.
Hindi pa man tiyak kung ie-extend pa ang nasabing programa dahil wala pa ring kasiguraduhan kung kailan matatapos ang sigalot sa Gitnang Silangan.
Trending
- Halos 1000 atleta, sasabak sa PH Athletic Championships
- Ama ni Divine Adili sumisigaw ng hustisya
- Nadine Samonte gigil sa ugali ng ilang flight attendants
- Kaye Abad nagpa-pink ribbon tattoo bilang simbolo ng pag-survive niya sa cancer
- Claudia pinapaalis apelyido ni Dennis Padilla
- Testimonya ng 18 ‘Maleta Boys’ hindi tatayo sa korte – Malacañang
- P50K sahod sa mga Pinoy nurse itinulak
- Chavit, nagpiyansa sa cyberlibel
