SA kulungan bumagsak ang 41-anyos na stepfather dahil sa mahigit 2 taon na pang-
aabusong sekswal habang nasa trabaho ang ina ng menor de edad na biktima, sa Las Pinas City, nitong Linggo.
Base sa ulat ng Paranaque City Police Station, isinilbi ang warrant of arrest laban sa suspek sa ginawang operasyon sa isang residential condomium unit sa Las Pinas City, noong Setyembre 13.
Ang menor de edad sa rekord ng kaso ay inabuso ng akusado simula Agosto 2023 hanggang Sept. 2025.
Isinasagawa umano ng akusado sa biktima ang pang-aabuso sa tuwing naiiwan sa bahay ang biktima habang nagtatrabaho ang kalive-in.
Dahil sa isinampang kaso, nailagay ang akusado sa bilang Station-Level Top 5 Most Wanted Person sa buwan ng Setyembre.
Sa bisa ng arrest warrant na inisyu ng Parañaque City court dinakip ang suspek.
Natuklasan din na sa kabilang ng closed circuit television (CCT%V sa bahay ng biktima, kung saan kasama ang akusado, nagawang iwasan na mahagip ang mga pang-aabuso sa biktima dahil sa parte ng bahay na hindi abot.
Ang suspek ay nahaharap ngayon sa mabibigat na kaso, kabilang ang 7 counts ng Statutory Acts of Lasciviousness na may inirekomendang piyansa na ₱180,000 bawat bilang, bukod pa sa hiwalay na kaso sa ilalim ng Section 10(A) ng Republic Act No. 7610 (Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act) na may inirekumendang piyansa na ₱80,000. (Gina Garcia)

Share.
Exit mobile version