Ang mga ina ang ilaw ng tahanan at haligi ng bawat pamilyang Pilipino.
Ito ang binigyang-diin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa pagdiriwang ng Mother’s Day nitong Linggo, Mayo 10.
“Sa bawat ina, may pagmamahal at sakripisyong hindi kayang tumbasan ng anumang salita,” ani Marcos sa isang Facebook post.
“Kayo ang ilaw ng tahanan at haligi ng bawat pamilyang Pilipino. Sa inyong pag-aaruga, pagtitiis, at walang kapantay na pagmamahal, mas tumatatag ang ating tahanan, komunidad, at bayan,” dagdag pa niya.
Ipinahayag din ng Pangulo ang taos-pusong pagpupugay at pasasalamat sa lahat ng ina sa kanilang walang sawang pagmamahal na iniaalay para sa kani-kanilang pamilya at sa bansa.
Kalakip ng kanyang post ang larawan ni First Lady Liza Marcos, kanyang ina na si Imelda Marcos, at kapatid na si Irene Marcos.
Samantala, napansin ng ilang netizen na hindi kasama rito ang kapatid niyang si Senadora Imee Marcos.

Share.