Ipinagmalaki ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas ang tatlong Batangueña na nakapasok sa Top 10 ng Philippine Military Academy “Talang Dangal” Class of 2026.
Pinangunahan ni Cadet First Class Christine Kaye Demisana Librada ng Lipa City ang hanay ng mga nagtapos matapos hiranging Top 1 o class valedictorian ng PMA.
Ang 23-anyos na kadete, kinilala bilang isa sa mga nangungunang babaeng nagtapos sa kasaysayan ng akademya.
Kasama rin sa Top 10 sina Cadet First Class Elixa Anya Lumbang Hernandez ng Padre Garcia na nagtapos bilang Top 7, at Cadet First Class Catherine Liesha Beloa De Chavez ng San Pascual na pumuwesto naman sa Top 8.
Ayon sa pamahalaang panlalawigan, patunay umano ito ng husay, disiplina at dedikasyon ng kabataang Batangueño sa larangan ng serbisyo-militar.
Samantala, dalawang kadete mula sa Cordillera ang kabilang sa mga tumanggap ng espesyal na parangal sa PMA.
Tinanggap ni Cadet 1CL Iway Inchan Ateo-an ng Bontoc ang Journalism Award dahil sa ipinakitang kahusayan sa pagsusulat, komunikasyon at responsableng pamamahayag sa loob ng akademya.
Kinilala rin si Cadet 1CL Adriane Faith Pe San Jose ng Tadian at La Trinidad matapos tanghaling recipient ng Superintendent’s Saber.
Ayon kay Ateo-an, nagsilbing inspirasyon niya sa pagpasok sa PMA ang hangaring makapaglingkod sa bayan at sa sambayanang Pilipino.
Nakatakdang magtapos ang PMA “Talang Dangal” Class of 2026 sa Mayo 16 sa programang pangunguhahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Trending
- Ceasefire epektibo pa rin kahit nagpalitan ng atake
- 20 katao sugatan sa banggaan ng jeepney, SUV sa Isabela
- Sulfur dioxide emissions ng Bulkang Taal tumaas
- Bus sumalpok sa nakaparadang truck, 4 pasahero sugatan
- 3 miembro ng “Ativan Gang”, timbog
- 3 PMA topnotcher mula sa Batangas
- Pulis patay, 1 sugatan nang agawan ng baril sa buybust ops
- Bahay ni Teddy Corpuz sa Kyusi, nilooban

