Nasawi ang anim na katao sa sunog na sumiklab sa isang residential area sa Urdaneta City, Pangasinan.
Kabilang dito ang dalawang 11-anyos na bata, dalawang babae na edad 72 at 59, at dalawang lalaki na edad 45 at 42.
Ayon sa ulat ng pulisya, nangyari ang sunog 2:00 ng madaling-araw noong Abril 20 sa Barangay Nancayasan, kung saan dalawang bahay ang natupok ng apoy.
Idineklara naman ng Bureau of Fire Protection (BFP) ang fire out 4:45 ng madaling-araw ngunit anim na katao ang nasawi.
Patuloy naman ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa eksaktong sanhi ng sunog at halaga ng kabuuang pinsala.

Share.