Nasawi ang dalawang photojournalist nang tangayin ng rumaragasang tubig sa ilog ang kanilang sasakyan sa Itogon, Benguet.
Kinilala ang mga nasasi na sina Rodolfo Ong Tan, 68-anyos; at Neil Clark Ongchangco, pawang mga photojournalist na mula sa Baguio City
Sa ulat, na-stranded ang sasakyan sa gitna ng malakas na agos ng ilog sa Barangay Dalupirip, habang sakay ang mga biktima 3:30 ng hapon.
Sa paunang imbestigasyon ng pulisya, may apat pang kasama ang mga biktima sa sasakyan at kagagaling lang sa isang graduation photoshoot sa kalapit na elementary school nang tangkain nilang tawirin ang ilog.
Kalaunan, narekober ng mga awtoridad ang sasakyan gamit ang isang backhoe.
Lima sa mga pasahero ang nailigtas at dinala sa ospital. Pero idineklarang dead on arrival si Tan na driver ng sasakyan.
Ang ikalawang biktima na photojournalist din na si Ongchangco, natagpuan naman ang mga labi noong Biyernes ng gabi sa kalapit na ilog.
Na-cremate na ang mga labi si Tan, habang nakaburol pa si Ongchangco.
Nagpahayag ng pakikiramay ang isang photojournalism group na nakabase sa Baguio sa pagkamatay ng kanilang dalawang kasapi.
Trending
- Vice Ganda : It’s Showtime “nganga”
- 3 Krus ni Juan : P60.69 /dollar; diesel P122/ liter; stocks, lugmok
- TRUMP :PEACE DEAL SOON!
- Phoemela Baranda buntis @ 40
- Kathryn Bernardo magkakaroon ng wax figure sa HK
- Kim Chiu bet ang gwapo, matapang, ‘di korap na politiko
- Rabiya at Jake Cuenca magka-date sa b-day party ni Sienna Stevens
- Miss Grand Thailand candidate natanggal pustiso habang nagpapakilala

