Trending na naman ang dating aktor na si Alvin Aragon nang mag-guest kamakailan sa DWAR 1494.
Paano kasi tuloy pa rin ang pagsasalita niya laban sa Sexbomb, kung saan dating member ang misis niya na si Izy Trazona.
Pati nga ang mga asawa ng mga miyembro ng all-girl group ay hindi pinaligtas ni Alvin, partikular ang mister ni Sunshine Garcia na si Vice Governor Alex Castro.
At ang mas ikinaloka ng nakapanood kay Alvin ay nang sabihin niya na ang Diyos daw ang nagpa-resign kay Izy sa Sexbomb.
Nakarating kay Vice Ganda ang sinabing ito ni Alvin.
Kaya naman, sa pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, sa segment na Laro, Laro Pick, ay nagbiro si Vice at nagpasaring sa mister ni Izy, na kinaaliwan ng madlang people.
Tinanong kasi ni Vice ang isang contestant kung alam ba nito kung ilan ang utos ng Diyos.
Sampu ang sagot ng contestant, na agad na kinontra ni Meme Vice: “Dati sampu, ngayon labing-isa na!”
Nagulat ang contestant sa tugon ng Unkabogable Star kaya inabangan nito kung ano ang panglabing-isang utos ng Diyos na sinasabi ni Vice.
Biro ng comedian-TV host, nadagdagan na nga raw ito. At ang ikalabing-isang utos ay ang “Mag-resign ka sa Sexbomb.”
Ito nga kasi ang sabi ni Alvin na utos daw ng Diyos kay Izy.
Dalawang beses pa itong inulit ni Vice na nagpahagalpak ng tawa sa mga tao sa studio.
Agad ding nag-trending ang splice video ng nasabing segment.

Share.