Tuloy-tuloy ang ligaya sa relasyon nina Kaila Estrada at Daniel Padilla. Muling naispatan ang dalawa sa isang family gathering sa side ng mommy ni Kaila na si Janice de Belen.
Viral na naman ang mga shot nina Kaila at Daniel na magkasama sa get-together sa isang Chinese restaurant, na ayon sa mga solid ng dalawa ay bahagi ng birthday celebration ng aktres.
Walang duda na kinaray ni Kaila si Daniel para makilala ng dyowa ang buong pamilya De Belen.
Sa larawan makikita ang dalawa na nakatayo sa gilid habang nasa likod ni Kaila ang kanyang elder-half brother na si Luigi at nasa table ang asawa’t anak nito.
Dumalo ang mag-asawang Gelli at Ariel Rivera. Kumpleto ang mga kapatid ni Kaila. Present rin Lolo nya sa De Belen at iba pang kaanak.
May shot rin ang KaiNiel sa isang staff ng resto na na-post sa X media, pero tinakpan ang mukha ng faney.
Sa IG ng isang solid ng relasyon nina Kaila at Daniel, mababasa ang mga positive comments para sa magkasintahan.

Share.