INATASAN ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Police Brig. Gen. Christopher Abrahano ang lahat ng yunit ng pulisya sa Metro Manila na palawakin ang kampanya sa kamalayan laban sa bomb threat sa mga paaralan.

Nitobg nakalipas na Oktubre may matanggap na bomb threat sa Medicine and Surgery Building ng UST sa Maynila, kung saan may liham na may banta na natagpuan sa dalawang cubicle ng magkahiwalay na female comfort room na nagdulot ng pagkaantala ng klase.

Sinabi ni NCRPO chief, dapat handa ang mga paaralan at rumespondeng awtoridad na kumilos nang mabilis at sistematiko.

Iniutos sa mga station commander na palakasin ang koordinasyon sa mga school administrator at local government units (LGUs) para malinaw na maipatupad ang protocol — kung paano mag-report, kanino tatawag, kailan mag-evacuate, at kung paano makipagtulungan sa pulisya.

Dapat saklawin ng kampanya ang tamang pag-report, maayos na paglikas kung kailangan, pagsasara ng apektadong lugar, pag-preserba ng ebidensya, at hindi pagpapakalat ng unverified na impormasyon sa social media.

Ang desisyon sa suspensyon ng klase o pagbabalik sa gusali ay dapat nakabase sa assessment ng awtorisadong responders.

Kasabay nito, nagbabala si Abrahano sa mga gumagawa ng bomb threat na kahit walang aktwal na pampasabog, may krimen na dapat panagutan.

“To those behind these threats, do not mistake the absence of an actual explosive for the absence of a crime. Your actions create fear, interrupt the education of students, and divert police and emergency personnel.”

Nanawagan ang NCRPO sa publiko na agad i-report ang kahina-hinalang mensahe at makipagtulungan para mapanatiling ligtas ang mga paaralan sa Metro Manila. (Gina Garcia)

 

Share.