Napasubo sa hindi inaasahang sitwasyon si Baron Geisler matapos sagutin ang tawag ng isang babaeng nagpakilalang fan at nagsabing may urgent itong pakay sa aktor.
Sa Instagram Story, ikinuwento ni Baron ang kakaibang experience na nagsimula lamang sa isang mensaheng natanggap niya mula sa babae.
“This morning, something really weird happened. A girl who I thought was a fan messaged me saying I should call her because it was urgent, so l answered,” saad ni Baron.
Dahil inakala niyang fan lamang ang babae at may mahalagang sasabihin, sinagot ng aktor ang tawag. Pero pagpasok pa lang nito ay ibang eksena na umano ang bumungad sa kanya.
“The moment the call started, she was doing something inappropriate on camera,” kuwento niya.
Doon na nakaramdam ng panganib si Baron at agad niyang napagtantong posibleng modus ang nangyayari.
Sa halip na ipagpatuloy ang pakikipag-usap, mabilis niyang tinapos ang tawag para hindi na siya maipit pa sa sitwasyon.
“I immediately realized this was some kind of scam, and apparently I’m not the only one who got targeted this has been an ongoing scam,” sabi ng aktor.
Nalaman din umano ni Baron na hindi lamang siya ang tina-target ng ganitong uri ng modus.
Dahil sa kanyang kakaibang karanasan, minabuti ng aktor na magbabala sa publiko, partikular sa pagtanggap ng messages at calls mula sa mga hindi kilalang tao.
“Please be careful with random calls/ messages, especially from people claiming to be fans,” paalala ni Baron.
=====
Trending
- UST girls tinalo ang UE sa pagbubukas ng kampanya sa HS volleyball
- BSKE LLAW NILAGDAAN NI MARCOS; ELEKSIYON INILIBAN
- Carlos Yulo, sumungkit ng gold medals sa Asiad
- Xyriel Manabat, River Joseph pasabog chemistry
- Baron Geisler napasubo sa kakaibang tawag ng ‘fan’
- Nyoy Volante inaming may ‘something’ sila noon ni Jennylyn Mercado
- DFA OFFICE SA KYUSI PINASINAYAAN
- Emergency hospital nai-upgrade

