WALANG kapaguran sa pagtutok sa problema sa baha si Navotas Congressman Toby Tiangco at , kapansin-pansin ang naging resulta ng mga hakbang sa Lungsod
Tinawag pa ng ilan si Congressman Tiangco na “The Flash” dahil sa mabilis na pagtugon sa mga problema ng lungsod, lalo na sa usapin ng pagbaha.
Napansin mismo ng mga residente ang mabilis na pagkilos at pagtutok ng kongresista sa mga kinakailangang hakbang upang matugunan ang problema sa baha.
Naging modelo rin umano ang Navotas sa mga hakbang para sa flood control at hinangaan mismo ni DPWH Secretary Vince Dizon ang mga pagsisikap ng kongresista.
Malaking bahagi sa flood-control system ng Navotas ang mga Boom Bastik Pumping Stations, na tumutulong sa mabilis na pag-aalis ng tubig-baha.
Nakatulong din ang Navotas Navigational Gate o NavGate, kasama ang mga navigational gate operators, sa maayos na pamamahala sa mga gate na mahalaga sa pagkontrol sa daloy ng tubig.
Kapansin-pansin ang naging resulta lalo na’t napakalapit ng Navotas sa dagat, kaya malaking hamon para sa lungsod ang problema sa high tide at pagbaha.
Dahil dito, may mga residente mula sa mga kalapit na lungsod na nagtatanong: Ano na ang nangyari sa mga flood-control projects na dapat sana ay napapakinabangan na ng mga mamamayan?
May ilan pa ngang nagtatanong, “Bakit nagawa ito ng mga namumuno sa Navotas?”
At may mga mapanuring nagsasabi rin: “Natutulog ba kayo sa pansitan?”
Sa naging karanasan ng Navotas, makikita ang kahalagahan ng tuloy tuloy na pagtutok, koordinasyon at mabilis na pagkilos upang matugunan ang problema sa baha isang hamon na patuloy na kinakaharap ng maraming lungsod.(ROGER PANIZAL)

