Puring-puri ni Gary Valenciano ang bagong career milestone ni Lea Salonga.
Ayon sa tinaguriang Mr. Pure Energy: “She has uplifted, encouraged and inspired so many Filipino artists today. She deserves that star!”
Siyempre, any Filipino artist would want to see his or her star at the Hollywood Walk of Fame on Hollywood Boulevard in Los Angeles.
Gary V is no exception.
Pero para sa total performer, it’s enough to know na ang pangalan niya’y nakaukit sa bawat puso ng mga Pinoy.
For that, he’s happy and content.
Samantala, kumusta na ang concern ng kanyang mga tagasubaybay: his health condition?
Ani Gary: “As regards my health, I’m good. If I was not good, I would not pursue my concert.”
Ang tinutukoy niya ay ang Back at the Museum gig niya.
May mga limitasyon nga lang sa kanyang mga performance.
‘Yun ay ang hindi niya pagtatanghal sa isang malaking venue nang solo lang siya.
Isinantabi na daw niya ang kabanata where he’d mount solo and big stage performances: “I’m more into intimate shows now.”
Pero kung mahingan ng guesting kahit pa sa Araneta Coliseum, he’s okay with that.
“Let’s say if Regine Velasquez decides to have another run of her Finale concert, I would be more than happy,” aniya.
Mismong si Gary na din ang nagsabing “the body can only do so much.”
====
Trending
- Team Philippines handa na para sa 20th Asian Games at 5th Asian Para Games
- Alex Eala palihim na dumating ng bansa
- John Arcilla, nagmura sa kanta
- Nadine, swak na Dyesebel
- Gary V, aminadong ‘di na kaya mag-perform sa malaking venue
- GULO SA RESORT : PCG SABIT
- Malabon City : “Handog ng Pangulo 2026 Serbisyong Tapat Para Sa Lahat”
- Babaeng pasahero mula Doha Qatar hinarang sa NAIA terminal 3.

