Nayanig ang hilagang-silangang bahagi ng United States matapos kumpirmahin ng NASA na isang dambuhalang meteor ang pumasok sa atmospera ng daigdig at sumabog sa kalangitan noong Sabado.
Ayon kay Jennifer Dooren, ang deputy news chief ng NASA, nagdulot ng nakakagimbal na mga sonic boom ang pagkawasak ng fireball sa ere.
Ang enerhiyang pinakawalan ng pagsabog ay tinatayang katumbas ng 300 toneladang TNT — ang pangunahing dahilan kung bakit umalingawngaw ang nakakatakot na tunog sa buong rehiyon.
Naganap ang pagsabog bandang alas-2:06 ng hapon sa itaas ng northeastern Massachusetts at southeastern New Hampshire habang ang meteor ay naglalakbay sa tulin na 75,000 mph (higit 120,000 kph) sa taas na 40 milya.
Labis na naalarma ang mga residente sa lugar dahil sa hindi inaasahang malakas na dagundong.
Sa katunayan, mabilis na napuno ang social media ng mga ulat mula sa mga natakot na mamamayan na nagsabing sa sobrang lakas ng pagsabog ay literal na nag-vibrate at nanginig ang kanilang mga bahay.
Nilinaw naman ng NASA na ang naganap na insidente ay isang natural na kaganapan sa kalawakan.
Aniya, ang fireball na ito ay walang kinalaman sa anumang aktibong meteor shower kundi ito ay isang natural na bagay at hindi nagmula sa mga bumagsak na space debris o satellite
Bagama’t nag-iwan ng matinding takot at mistulang eksena sa pelikula, wala namang iniulat na nasaktan o malaking pinsala sa ari-arian dahil tuluyan nang natunaw at nadurog ang meteor sa itaas ng atmospera bago pa man ito tuluyang humampas sa lupa.
Trending
- Ginebra isang panalo na lamang para makapasok sa finals
- Eala may wild card sa Homburg Open
- Richard Gutierrez, Gerald Anderson tumitindi ang hidwaan
- Vice Ganda namigay ng kare-kare sa mga street sweeper
- John Lloyd Cruz ipinaranas sa anak na si Elias ang simpleng pamumuhay
- Libreng board, bar exam sa qualified indigents, inihain
- MRT-7, ‘di mababawasan ng estasyon
- Pinakamahabang araw mararanasan sa Hunyo 21 – PAGASA

