Tinutulan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang panukalang payagan ang online participation at electronic voting ng mga senador na hindi makakadalo nang personal sa sesyon.
Sa Kapihan with the Media sa Japan, sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na pinayagan lamang noon ang remote voting dahil sa COVID-19 pandemic at wala nang dahilan upang ibalik ito sa kasalukuyan.
Ayon sa Pangulo, tila nakatuon lamang sa kaso ni Sen. Ronald “Bato” Dela Rosa ang naturang panukala.
Dismayado at nababahala rin si Pangulong Marcos sa mga kontrobersyang kinakaharap ng Senado, kabilang ang umano’y pekeng insidente ng pamamaril noong Mayo 13.
Giit ng Pangulo, malaki na ang ipinagbago ng Senado kumpara noong siya ay senador pa, dahil dati ay matitinding debate ang umiiral ngunit hindi ito nauuwi sa personalan tulad ng ilang kasalukuyang sigalot.
Umaasa naman si Pangulong Marcos na agad mareresolba ng mga senador ang mga problemang kinakaharap ng institusyon.
Trending
- NCR, lumaki pa ang lamang sa mga katunggali sa Palarong Pambansa; 20 golds na ang bitbit
- 15-anyos na Pinoy nambasag ng world record sa speedcubing
- Matteo, bumisita sa Pag-asa Island, nakipag-boodle sa mga sundalo!
- Anak ni Dennis, naaksidente
- PBBM, tutol sa online voting ng mga senador
- Villafuerte brothers umapela sa Senado na ipasa bagong building code
- Pagkalat ng Ebola sa DR Congo maaaring mapigilan – WHO
- PCG planong bumili ng 56 dagdag na barko

