Aabot sa 47 lugar sa bansa ang posibleng makaranas ng dry condition o tagtuyot pagsapit ng Nobyembre dahil sa umiiral na kondisyon ng El Niño sa tropical Pacific, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).
Sinabi ng PAGASA na maaaring makaranas ang mga apektadong lugar ng 21% hanggang 60% pagbaba ng ulan sa loob ng magkasunod na dalawang buwan. Kabilang sa mga lugar na nasa forecast ang Metro Manila, Batangas, Bulacan, Cavite, Laguna, Pampanga, Pangasinan, Quezon, Rizal, at Zambales, gayundin ang ilang lalawigan sa Visayas at Mindanao.
Ayon sa PAGASA, Camarines Sur lamang ang inaasahang makararanas ng dry spell o 21% hanggang 60% kakulangan ng ulan sa loob ng tatlong magkakasunod na buwan o mahigit 60% kakulangan sa loob ng dalawang buwan. Wala namang lugar na inaasahang makararanas ng drought o matinding tagtuyot sa kasalukuyang outlook.
Batay ang pagtataya sa naitalang ulan mula Disyembre 2025 hanggang Mayo 2026 at sa rainfall forecast para sa Hunyo hanggang Nobyembre 2026. Nilinaw ng PAGASA na maaari pang magbago ang outlook sa susunod nitong climate forum sa Hunyo 24.
Trending
- Spain, tinambakan ang Saudi Arabia, 4-0
- Kaibigan ni Divine Adili nakiusap na itigil pagpapakalat ng fake news, AI images
- BINI, JK, Vice, pasok sa partial list of winners ng 17th Star Awards for Music!
- Coco Martin nilaplap nang husto Julia Montes
- Angeline, college graduate na
- Kampo ni VP Sara itinangging kinopya witness list ng prosekusyon
- Simulation activities ng automated election system para sa BPE, isasagawa ng Comelec
- ICC, binalaan mga abogado vs media comments sa Duterte case

