Tatlong koponan na ang nakakuha ng puwesto sa 2026 NBA Playoffs ilang araw bago matapos ang regular season.
Unang nakapasok ang defending champion at kasalukuyang top team na Oklahoma City Thunder.
Sinundan ito ng San Antonio Spurs na patuloy na nagpapakita ng matatag na pag-angat, at pangatlo ang Detroit Pistons na may pinakamagandang record sa Eastern Conference.
Sa kasalukuyan, naghahanda na rin ang NBA para sa Play-In Tournament na nakatakda mula Abril 14 hanggang 17, kung saan maglalaban ang mga koponan mula rank 7 hanggang 10 sa parehong conference para sa dalawang huling playoff spots.
Nakatakda ang pagsisimula ng Playoffs sa Abril 18 at tatakbo hanggang huling linggo ng Mayo 2026. Samantala, ang Game 1 ng NBA Finals ay itinakda sa Hunyo 3.
Sa kabilang banda, kabilang na sa playoff picture ang Sacramento Kings, Utah Jazz, Brooklyn Nets, Indiana Pacers, at Washington Wizards, na pawang nasa ibabang bahagi ng standings ngayong season.
Ang mga susunod na araw ay kritikal para sa mga koponan na nasa gilid ng elimination habang papalapit ang postseason.
Trending
- Halos 1000 atleta, sasabak sa PH Athletic Championships
- Ama ni Divine Adili sumisigaw ng hustisya
- Nadine Samonte gigil sa ugali ng ilang flight attendants
- Kaye Abad nagpa-pink ribbon tattoo bilang simbolo ng pag-survive niya sa cancer
- Claudia pinapaalis apelyido ni Dennis Padilla
- Testimonya ng 18 ‘Maleta Boys’ hindi tatayo sa korte – Malacañang
- P50K sahod sa mga Pinoy nurse itinulak
- Chavit, nagpiyansa sa cyberlibel
